Wednesday, 23 February 2011

Talambuhay ni Vera Alamag

Me and my mother
Nagsimula ang lahat sa pag-iibigan nina Restituto Alamag at Vivian Balyoyo noong  taong  1993.Nagpatuloy ang kanilang magandang pagtitinginan at nauwi sa pagharap sa dambana  noong ika-23 ng Oktubre 1994.Si Restituto  Alamag ay isang empliyado ng Meralco noon at si Vivian Balyoyo naman ay isang simpleng may bahay  na masipag sa paghahanapbuhay.Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at noong  ika-11 ng Setyembre 1995 ay ipinanganak ni Vivian ang kanyang panganay at ako nga iyon si Vera Balyoyo Alamag.
      Ayon sa kwento ng aking ina,noong sanggol pa lamang daw ako ay ugali ko na ang pumalirit ng pumalirit at humagikhik ng humagikhik  sa tuwing nilalaro ako ng aking ama at mga lola,at noong ako naman ay isang taon na ay mahilig daw akong magkakanta kahit na ito ay pahimig lamang bagay na kinagawin ko hanggang ngayon.Matapos ang dalawang taon ay nasundang muli ako ng aking kapatid na si Venus Balyoyo Alamag,sa pagkakataong iyon pagkatapos manganak at makapgpahinga ng aking ina ay napagpasyahan niyang ipagpatuloy muli ang kanyang pag-aaral at nagtagumpay nga siyang makatapos ng Bachelor ng Edukasyong Pansekondarya at nagpkadalubhasa sa Wikang Ingles.Madaling natanggap at nakapagturo ang aking ina sa eskwelahan dahil sa angking  sipag at talino.Limang taon siyang nagturo sa Pribadong Paaralan sa Dolores Quezon at matapos noon ay nagpasya  siyang magturo sa  Pampublikong  Paaralan.Subalit matapos  ang pitong taon ay nasundang muli ng aking kapatid na si Venus at iyon nga ay ang aming bunsong kapatid na si Ressy Anne Balyoyo Alamag na ngayon ay kindergarten pa lamang habang ang aking ina naman ay isang guro na ngayon sa San Pablo City National High School.
   Masaya ang aming pamilya sapagkat payak lamang an gaming pamumuhay.Nagtutulong-tulong kami sa mga Gawain at inaalalayan ang bawat isa.Wala na akong mahihiling pa sa aking mapagmahal at mapag-arugang mga magulang.
Its me
 Maraming taon na ang nagdaan at marami na akong karanasan.Nagpapasalamat ako dahil kahit mahirap ang pamumuhay dito sa ating mundo.Masaya pa rin at makulay dahil sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin at patuloy akong binibigyang halaga ang aking buhay.Ngayon nga ay nasa ikaapat na antas na ako ng sekondarya,mas nadagdagan pa ang aking mga karanasan simula noong ako ay nasa ika unang antas,naranasan kong mapahiya sa harap ng aking kamag-aral dahil ngkamli ako nang pasok ng  silid na kahit ako ay maluha luha na ay pinipigilan ko pa rin dahil sa alam kong wala namang taong perpekto at hindi nagkakamali.Naranasan ko rin na magkaroon ng isang tunay  at tapat na kaibigan,yung tipong laging nandyan  sa tabi ko at handang damayan ako sa oras na nalulungkot  at may problema ako.Kapatid ang turingan naming dalawa,magkasama kami sa lahat ng oras.Masaya ang pagkakaibigan naming dalawa.Nadagdagan ang kaibigan namin ngunit ang hindi naming alam ay sila pala ng magdadala sa amin sa maling landas,dahil natuto kaming magcutting sa oras ng klase at pumunta kung saan saan.Napagalitan ako  aming guro pati na rin ng aking magulang dahil sa pagbubulakbol naming iyon.Nagkahiwalay kami ng bestfriend ko dahil napagpasyahan ng mga magulang niya na ilipat siya ng paaralan.Labis akong nakadama ng kalungkutan,para bang gusto ko nang sumuko nung mga oras na iyon.Masakit man sa kalooban naming dalawa ang magkahiwalay ay wala kaming nagawa.Ngunit matapos noon ay nabigyang aral ako at napagpasyahan kong magtuyag at pag-ayusin ang  aking pag-aaral.Napakabait talaga ng ating panginoon,dahil sa kanya nakatagpo muli ako ng mga panibagong mga kaibigan na sa tingin ko naman ay magiging mabuti ang aking kalagayan kung sila ang aking makakasama.Labis ang kasiyahan ko noong mga oras na iyon.Nagkaroon ako ng inspirasyon.Tumaas ang aking mga grado at napuri ng aking mga guro.Tama nga ang aking pasya na sa kanila makisama.
Noong limang taon pa ako
 Narating ko ang ikatlong antas ng sekondarya ,mas nadagdagan ang aking mga karanasan,mas natuto ako kung paano makihalobilo at makisama sa ibang tao.Napakamahiyain ko noong mga oras na iyon na halos ayaw kung umimik at makipag-usap sa mga kamag-aral ko dahil sa nahihiya talaga ako.Ngunit napag isip-isip kong  mas madadagdagan ang mga kaibigan ko kung susubukan kong bawasan ang pagkamahiyain ko at nagkaroon nga ako ng lakas ng loob at nagawa ko ito.Naranasan kong magkaroon ng taong mahal ako at handa ko naming mahalin  sa oras na mapatunayan kong karapatdapat siya sa pagmamahal ko.Mas lalo akong sumaya kasama sila.Pakwela pa ako noon sa mga kamag-aral ko na gawain ko pa rin naman hanggang ngayon.Iba kasi ang pakiramdam kapag nakakapag pasaya ng tao,na kahit sa paraang iyon lamang ay nababawasbawasan ang lungkot na nadarama ko pati na rin ng ibang kamag-aral ko.Kahit lagi akong napapagalitan ng aming guro dahil sa tuwing tatawagin niya ako para sumagot ay mas malakas pa ang ngiyaw ng pusang naglalampungan sa bubong dahil sa mahinhin ako magsalita at ang hina pa nito.Masasabi kong ang high school life talaga ang pinakamemorable na happenings sa buhay ko.

My mother and my cousin
Mga kapatid ko at ako
Ako at ang aking mga kaibigan
At sa wakas nasa ikaapat na antas na ako ng sekondarya dahil  sa suporta ng aking mga magulang .Unti –unti na akong magkakaroon ng lakas ng loob na abutin ang lahat ng aking mga mithiin o pangarap sa buhay.Mas pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang sa ganoon ay makatapos ako ng pag-aaral at  masuklian ko naman ang tulong at suportang ipinagkaloob sa akin ng aking mga magulang.Alam kong marami pang pagsubok ang darating sa aking buhay  ngunit handa ko itong harapin,dahil alam ko na habang may buhay ay may pag-asa at walang pangarap ng hindi makakamit kung magsisikap ka.Sana ay sabay sabay naming maabot ang aming mga pangarap,kasabay ang kaligayahan sa pagtungtong sa entablado upang magkamit ng sertipiko.Patuloy pa rin akong magsisikap pagkatapos ko para masabing matagumpay ako,at upang balang araw ay may maipagmamalaki ako sa mga magulang  ko pati na rin sa  buong pamilya ko.Buong puso akong magpapasalamat sa lahat ng taong nakapagbahagi sa akin ng kaalaman.Dito ko na po tinatapos ang aking munting  talambuhay.Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment