Nagsimula ang buhay ko noong nagkakilala ang Inay at Tatay ko, kung saan magpunta ang Inay ko ay nandoon din ang Tatay ko, kaya siguro napaibig ang Inay ko, kasi laging nakabuntot ang Tatay ko, pero hindi ibig sabihin stalker sya. Pagkatapos noon niligawan na ng Tatay ko ang aking Inay, syempre hindi na nagpakipot si Inay dahil gusto din naman nya ang aking Tatay. Kaya simula noon lagi na silang magkasama, habang tumatagal lalong naging malalim ang pagmamahalan nilang dalawa, kaya nag-usap muna sila na magtapos ng pag-aaral para sa magiging kinabukasan ng kanilang magiging anak at dumating yung oras na nakatapos na sila ng pag-aaral. hiningi ng Tatay ko ang kamay ng aking Inay sa kanilang mga magulang hanggang sa makapagpakasal na silang dalawa noong Marso 26,1993 at yun na ang pinakamasayang araw nila bilang magkabiyak sa habang panahon. At di naglaon nagbunga ang pagmamahalang wagas ng aking mga magulang ng limang mabubuting mga anak at mamamayan ng ating bansa.
Ako si Mara Krizell Latayan Orte, isinilang noong ika-22 ng Oktobre taong 1994 sa panlalawigang pagamutan ng lungsod ng San Pablo. Mara ang ipinangalan sa akin ng aking mga magulang sapagkat lagi nilang sinusubaybayan ang isang teleserye noon sa telebisyon kaya na isip nilang isunud ang aking pangalan sa isa sa sa mga karakter sa nasabing programang kanilang sinusubaybayan. Ayon sa kwento ng aking mga magulang at mga nakakakilala sa aming pamilya, napalitan raw ako sa Ospital na nagkataong nawalan ng ilaw ang buong gusali. Ngunit hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi dahil pinalaki nila akong walang namuong galit at pag-iimbot sa aking kalooban na dulot ng aking mga magulang. At kung totoo man ang sabi-sabi, taas noo akong haharap sa mga tao at ipahahayag ang aking mga pinaniniwalaan sa buhay na humubog ng aking buong pagkatao.
Habang ako'y lumalaki marami na akong mga mumunting bagay na natututunan. Mga bagay na maliliit ngunit naghahatid sa akin ng malalaking kaalaman sa aking pahat na isipan. Nang ako'y 6 taong gulang namalagi ako sa aking Lolo, kung saan doon ko sinimulan ang pag-aaral sa pinakamababang antas ang "Kinder Garten". Ang aking musmos na isipan ay napunan ng ibat-ibang kaalaman sa buhay, hindi lamang sa akademiko pati na rin sa kaalaman sa buhay. Lumaki ako sa piing ng aking Lolo at Lola ngunit hindi ako pinababayaan ng aking mga magulang na mapalayo ang loob ko sa kanila, sa bawat okasyon sa aming pamilya ay sama-sama kami. Lumaki akong maraming karanasan sa buhay gaya na lamang noong ako ay nasa Elementarya na, nakaranas ako kung paano umibig sa murang edad, masaktan ang aking batang kalooban. Dumating ang panahon na ako ay nasa ika-6 na baitang na sa Elementary, nabigyan ako ng pagkakataong makalaro sa palarong pangrehiyon sa palakasan sa kategoryang atleteko, ako ay nabigyang karangalan bilang ika-dalawa sa mga pinaka magagaling na manlalaro sa aming Rehiyon, at dalawang beses pa ito naulit.
Tumuntong ako sa sekondarya sa edad na labing tatlong taong gulang, ngunit hindi ako namimirmihan sa aking mga magulang sapagkat pagkatapos ko sa elementarya ay kinupkop ako ng aking Tiyahin upang siya na raw ang magpapa-aral sa akin kapalit ng kaunting pakisuyo na ihahatid at susunduin ang aking dalawang magigiliw na pinsan. Noong una hindi ako punmayag sapagkat ayaw kong mapahiwalay sa aking mga magulang at hindi ako ang tipo ng tao na madaling pumayag lalo na't hindi ako sigurado sa maaaring kalabasan ng aking ginawang pasya. Ngunit hindi naglaon napapayag na rin ako sapagkat na pag-isip-isip kong malaking kabawasan sa gastosin at alalahanin ng aking mga magulang ang aking pag-aaral. Mula sa Dolores,Quezon ako kasama ng aking tiya kami ay lumipat dito sa kabayanan ng San Pablo. Pumasok ako sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National HighSchool at kasalukuyang magtatapos na.
LARAWAN NG AKING MGA MAHAL SA BUHAY
|
Ito ang aking Tatay at bunsong kapatid na si Ma.Angeline. |
|
Picture ko noong 15 yrs old ako |
|
Ito ang aking kapatid na si GLENN CARLO siya ang sumunod sa akin 15 yrs old na siya. Mahilig siya sa Lawn Tennis at ngayong darating na Marso 2011 ay magkakaroon ng isang paligsahan sa Lungsod ng Lucena at ito ang STCAA. |
|
Ito naman ang aking kapatid na babae na si SHERLYN MAE. Siya naman ang pang-apat sa aking mga nakakabatang kapatid. |
|
Ito naman ang aking kapatid na si KIM DARREN,pangatlo sa aming mgkakapatid. Mahilig din siya sa Lawn Tennis |
|
Ito si MA. ANGELINE siya ang bunso kong kapatid. |
|
Kapati ko at yung Doll nya. |
|
Ito ang aking INAY at bunso kong kapatid. |
|
|
|
|
|
|
Picture ko noong October.
|
|
Picture ng aking kapatid noong siya ay anim na taong gulang |
No comments:
Post a Comment