Wednesday, 23 February 2011

Talambuhay ni Vera Alamag

Me and my mother
Nagsimula ang lahat sa pag-iibigan nina Restituto Alamag at Vivian Balyoyo noong  taong  1993.Nagpatuloy ang kanilang magandang pagtitinginan at nauwi sa pagharap sa dambana  noong ika-23 ng Oktubre 1994.Si Restituto  Alamag ay isang empliyado ng Meralco noon at si Vivian Balyoyo naman ay isang simpleng may bahay  na masipag sa paghahanapbuhay.Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at noong  ika-11 ng Setyembre 1995 ay ipinanganak ni Vivian ang kanyang panganay at ako nga iyon si Vera Balyoyo Alamag.
      Ayon sa kwento ng aking ina,noong sanggol pa lamang daw ako ay ugali ko na ang pumalirit ng pumalirit at humagikhik ng humagikhik  sa tuwing nilalaro ako ng aking ama at mga lola,at noong ako naman ay isang taon na ay mahilig daw akong magkakanta kahit na ito ay pahimig lamang bagay na kinagawin ko hanggang ngayon.Matapos ang dalawang taon ay nasundang muli ako ng aking kapatid na si Venus Balyoyo Alamag,sa pagkakataong iyon pagkatapos manganak at makapgpahinga ng aking ina ay napagpasyahan niyang ipagpatuloy muli ang kanyang pag-aaral at nagtagumpay nga siyang makatapos ng Bachelor ng Edukasyong Pansekondarya at nagpkadalubhasa sa Wikang Ingles.Madaling natanggap at nakapagturo ang aking ina sa eskwelahan dahil sa angking  sipag at talino.Limang taon siyang nagturo sa Pribadong Paaralan sa Dolores Quezon at matapos noon ay nagpasya  siyang magturo sa  Pampublikong  Paaralan.Subalit matapos  ang pitong taon ay nasundang muli ng aking kapatid na si Venus at iyon nga ay ang aming bunsong kapatid na si Ressy Anne Balyoyo Alamag na ngayon ay kindergarten pa lamang habang ang aking ina naman ay isang guro na ngayon sa San Pablo City National High School.
   Masaya ang aming pamilya sapagkat payak lamang an gaming pamumuhay.Nagtutulong-tulong kami sa mga Gawain at inaalalayan ang bawat isa.Wala na akong mahihiling pa sa aking mapagmahal at mapag-arugang mga magulang.
Its me
 Maraming taon na ang nagdaan at marami na akong karanasan.Nagpapasalamat ako dahil kahit mahirap ang pamumuhay dito sa ating mundo.Masaya pa rin at makulay dahil sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin at patuloy akong binibigyang halaga ang aking buhay.Ngayon nga ay nasa ikaapat na antas na ako ng sekondarya,mas nadagdagan pa ang aking mga karanasan simula noong ako ay nasa ika unang antas,naranasan kong mapahiya sa harap ng aking kamag-aral dahil ngkamli ako nang pasok ng  silid na kahit ako ay maluha luha na ay pinipigilan ko pa rin dahil sa alam kong wala namang taong perpekto at hindi nagkakamali.Naranasan ko rin na magkaroon ng isang tunay  at tapat na kaibigan,yung tipong laging nandyan  sa tabi ko at handang damayan ako sa oras na nalulungkot  at may problema ako.Kapatid ang turingan naming dalawa,magkasama kami sa lahat ng oras.Masaya ang pagkakaibigan naming dalawa.Nadagdagan ang kaibigan namin ngunit ang hindi naming alam ay sila pala ng magdadala sa amin sa maling landas,dahil natuto kaming magcutting sa oras ng klase at pumunta kung saan saan.Napagalitan ako  aming guro pati na rin ng aking magulang dahil sa pagbubulakbol naming iyon.Nagkahiwalay kami ng bestfriend ko dahil napagpasyahan ng mga magulang niya na ilipat siya ng paaralan.Labis akong nakadama ng kalungkutan,para bang gusto ko nang sumuko nung mga oras na iyon.Masakit man sa kalooban naming dalawa ang magkahiwalay ay wala kaming nagawa.Ngunit matapos noon ay nabigyang aral ako at napagpasyahan kong magtuyag at pag-ayusin ang  aking pag-aaral.Napakabait talaga ng ating panginoon,dahil sa kanya nakatagpo muli ako ng mga panibagong mga kaibigan na sa tingin ko naman ay magiging mabuti ang aking kalagayan kung sila ang aking makakasama.Labis ang kasiyahan ko noong mga oras na iyon.Nagkaroon ako ng inspirasyon.Tumaas ang aking mga grado at napuri ng aking mga guro.Tama nga ang aking pasya na sa kanila makisama.
Noong limang taon pa ako
 Narating ko ang ikatlong antas ng sekondarya ,mas nadagdagan ang aking mga karanasan,mas natuto ako kung paano makihalobilo at makisama sa ibang tao.Napakamahiyain ko noong mga oras na iyon na halos ayaw kung umimik at makipag-usap sa mga kamag-aral ko dahil sa nahihiya talaga ako.Ngunit napag isip-isip kong  mas madadagdagan ang mga kaibigan ko kung susubukan kong bawasan ang pagkamahiyain ko at nagkaroon nga ako ng lakas ng loob at nagawa ko ito.Naranasan kong magkaroon ng taong mahal ako at handa ko naming mahalin  sa oras na mapatunayan kong karapatdapat siya sa pagmamahal ko.Mas lalo akong sumaya kasama sila.Pakwela pa ako noon sa mga kamag-aral ko na gawain ko pa rin naman hanggang ngayon.Iba kasi ang pakiramdam kapag nakakapag pasaya ng tao,na kahit sa paraang iyon lamang ay nababawasbawasan ang lungkot na nadarama ko pati na rin ng ibang kamag-aral ko.Kahit lagi akong napapagalitan ng aming guro dahil sa tuwing tatawagin niya ako para sumagot ay mas malakas pa ang ngiyaw ng pusang naglalampungan sa bubong dahil sa mahinhin ako magsalita at ang hina pa nito.Masasabi kong ang high school life talaga ang pinakamemorable na happenings sa buhay ko.

My mother and my cousin
Mga kapatid ko at ako
Ako at ang aking mga kaibigan
At sa wakas nasa ikaapat na antas na ako ng sekondarya dahil  sa suporta ng aking mga magulang .Unti –unti na akong magkakaroon ng lakas ng loob na abutin ang lahat ng aking mga mithiin o pangarap sa buhay.Mas pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang sa ganoon ay makatapos ako ng pag-aaral at  masuklian ko naman ang tulong at suportang ipinagkaloob sa akin ng aking mga magulang.Alam kong marami pang pagsubok ang darating sa aking buhay  ngunit handa ko itong harapin,dahil alam ko na habang may buhay ay may pag-asa at walang pangarap ng hindi makakamit kung magsisikap ka.Sana ay sabay sabay naming maabot ang aming mga pangarap,kasabay ang kaligayahan sa pagtungtong sa entablado upang magkamit ng sertipiko.Patuloy pa rin akong magsisikap pagkatapos ko para masabing matagumpay ako,at upang balang araw ay may maipagmamalaki ako sa mga magulang  ko pati na rin sa  buong pamilya ko.Buong puso akong magpapasalamat sa lahat ng taong nakapagbahagi sa akin ng kaalaman.Dito ko na po tinatapos ang aking munting  talambuhay.Maraming salamat po.

Talambuhay ni Princess Cathyreen Acuzar

1 year old ako

6 year old ako


Noong 1989 lumuwas si Vilma Avila ang aking ina sa maynila nupang magtrabaho siya ay galing pang visaya.noong 1991 lumipat siya dito sa San Pablo Laguna at dito sila nag kakilala ni Frisdel Acuzar ang aking ama.1994 ng mayo sila ikinasal.


      Ako si Princess Cathyreen ang panganay nilalang anak noong agusto 25 1994 ako ipinanganak.kami ay nakatira sa Brgy.Bagona Pook San Pablo Laguna.Ako ang unang apo sa pamilya ng aking ama at sa pamilya ng aking ina .Ako ay may tatlong kapatid sila ay sina Diana Madal,Aizel Grace at Shion. ang Shion ay salitang hapon na ang ibig sa bihin ay alon ng dagat.
       Ako ay nag-aral sa Maranata Christian School ng kindernoong 1999.Noong tumuntong na ako sa unang baytang ako ay nag-aral sa Open Door Christian Acadamy hanggang ikalawang baytang ako sa nasabing paaralan.Noong nasa ikatlong baytang na ako sa elementarya lumipat ako sa San Pablo Central School sa nasabing paaralan na ako nag tapos ng elementariya.Marami akong niging kaibigan at marami rin akong masasayang alaala sa nasabing paaralan.Napaka saya ng naging buhay elementarya ko kasi noong elementarya pa ako marami akong kalokohang nagawa at dati mahilig ako mang asar ng kaklase kasama ko sa pang-asar ay ang matalik kong kaibigan noong elementaryasiya ay si Jeddah De Guman na ngayon ay nasa 4-I. minsan nga dahil sa sobrang asar samin ng aming kaklase hinobol niya kami tapos may dala siyang walis tambo ang bilis namin dalawa tomakbo.Bago kami umuwi ng biyernes ng hapon napunta muna kami sa may tennis court nahingi kami doon ng bola ng tennis.Mayroon pang nangyari na hinabol ako ng aso kasi ang silid aralan namin ay mayroong ilalim namaraming aso pagdan ko doon hinabol ako ng aso buti nalang mabilis ako tumakbo.May nangyari pang kaming dalawa ni Jeddah ay natilas gala kasi kami noon nilagyan namin ng maraming alkohol na sermunan pa kami ng aming guro kasi daw kung saan saan daw kami nagpupunta .Sa huli kaming lahat ay sabay sabay nakatapos ng elementarya.Umiyak sila noon nagpapaalaman na sa isat-isa baka daw kasi di na magkitakita pag datina ng High School kasi sa ibat-ibana paaralan na kami papasok.
        Pagdating ko sa 1st year diko akalain  na magiging kaklase ko ulit si Jeddah .Pareho kamina sa Col.Lauro D. Dizon Memorial High School ditonakakilala pa kami ng mga bagong kaibigan .Napagalitan kami ng aming guro namin sa science kasi sa coridor pagkatapos nahuli pa kaming nagpapaltukan sa loob ng silid aralan .Tuwing wala kaming klase sa filipino kami ay nagpupuntang oval para maglaro minsan naghahabulan minsan naman luksong baka .Mayroong akong kaklase na naglalaro ng luksong baka na nakapalda ang nangyari nakitaan siya ng damit pang loob.Tapos yung mga lalaki naming kaklase laging napapagalitan ng mga guro namin napakapasaway kasi .Misan nag-aaway sila ng walang katuturan ang pingaawayan kaya lagina napapagalitan.Bago ako mag 2nd year high school na ospital muna ako apat na araw ako doon.
         Noong 2nd year na kami nagkahiwalay na kami ni Jeddah siya ay 2-J ako naman ay 2-H.Sa 2-H nakakilala ako ng mga bagong kaibigan sila ay sina Krystal,Margie,Arvie at Maricar.Nagkaroon din ako ng bagoong matalik na kaibigan siya ay si Crizza San Antonio na kaklase ko noong 1st year .Masaya rin ang 2nd year life ko wala paring pagbabago lagi paring napapagalitan ng mga gurokasi mga pasaway parin kami.Nakanasan kong magsulat ng ''Hindi na po ako mag iingay sa loob ng klase'' salimang pahina ng papel ng notebook na baliktaran.Ang guro ko naman sa math lagi ako pinasasagot sa pisara tapos ako ang nagpapaliwanag.Hindi rin kami nakasali sa Florante at Laura kaya nagsaulo kami ng buod ng Florante at Laura dalawang linggo bago ko masaulo lahat gabi gabi bago ako matulog sinasaulo ko lahat paulit -ulit para masaulo ko ng mabilis.
        Noong 3rd year na ako naging 3-G ako kaklase ko parin sina Crizza,Maricar,Arvie,Krystal at
Margie.Bagong section bagong mga kaklase at bagong mga kaibigan pero lagi parin napapagalitan ng mga guro magugulo daw kasi kami at napaka ingay tapos hindi daw kami naglilinis ng silid aralan.Lagi din kami napapagalitan dahil mga tamad  daw kami gumawa ng takdang aralin.Minsan nahuhuli pa ako sa klase namin sa math kasi 7:00am ang time namin tinatanghali ako ng gising kahit na malapit lang ang bahay namin sa paaralan.Napapagalitan ako ng aking ina nahuhulipa daw ako sa klase napaka lapit na nga daw ng paaralan saaming bahay lagi daw kasi ako nagpupuyat sa kapapanood na talebisyon.Pero sa awa ng Diyos nakapasa st naging 4th year na.
       Ngayong 4th year na ako marami na nagbago  nag kahiwalay na kaming magkakabarkada sina Crizza,Maricar,Margie at Krystal ay 4-G, si Arvie ay 4-H at ako naman ay sa 4-F sa panahong iyon gustong gusto ko mag palipat sa 4-G kaso hind ako pinayagang lumipat kasi kaya ayoko sa 4-F ako lang kasi ang nag-iisang babae na napalipat sa 4-F na galing sa 3-G puro lalaki ang kasama kong napalipat sa4-F.Buti nalang naging 4-F din si Jona kaklase ko noong 2nd year simula noon nakakilala na ulit ako ng bagong mga kaibigan ngayon sila na ang lagi kong kasama.Minsan nasama rin ako sa ibang section mansan nga nagagalit sakin  ang isa kong kaibigan ko sa 4-F kasi bakit daw ako lagi nasa ibang section  tumatambay kasi naman minsan lang kami nagkikitakita at nagkakasama ng mga kaibigan ko sa ibang section.Sumali rin kami sa cheer dance halos araw araw kaming nag-iinsayo ng sayaw pero  sa huli talo rin kami pero bumawi kami sa mga sports 3rd place kami sa football girls,3rd place din kami sa basketball boys at 1st place kami sa basketball girls.Ang saya noon kasi talagang nagawa kami ng paraan para manalo .Tapos nagJS kami masaya ang JS kasi 1st time ko sumali dahil noong 3rd year hindi ako nakasali pero pag sali ko hindi naman sumali ang mga kaibigan ko sa 4-F buti nalang sumali ang mga kaibigan ko sa 4-G at 4-H kahit papano may kabarkada ako at kakulitan ako doon.Pag katapos ng JS magkakaroon naman ng concert sa amaing section may sasaling banda.Ngayon papalapit na kami magtapos marami nakaming proyekto na dapat tapusin sana lang lahat kami ay makatapos.


1st year kami


JS namin









Tuesday, 22 February 2011

life hates me

life hates me

Life hates me
-talambuhay ni George Arcinas

Ako si George Arcinas, pinanganak noong Nov. 21. Anak nil Crisanto at Sylvia Arcinas. Pinanganak ako sa City Hospital. Panganay sa dalawangmagkapatid na si Geoffrey Arcinas. Ang aking ama ay isang pulis at ang aking ina ay nag-aalaga sa’min magkatid at siya din gumagawa para sa’min. ang aking ama ay natanggal sa pulis sa dahilang palagi nag-iinom at umuuwi ay magulo.

6 years old ako nagkinder garten sa San Roque Elementary School, nakagraduate ako ng kinder garten. 7 years old ako nag-grade 1 sa San Roque Elementary School. Hindi kami nagtatagal sa isang bahay, palipat-lipat kami ng bahay dahil sa aking ama ay magulo at nananakit ng pamilya niya at mga kapatid at lalo na kanyang ama. Ang lolo ko ay isang tricycle driver lang at ang lola ko nasa bahay lang nila. Mabuti naman makisama ang aking ama kapag hindi diya nakakinom, palagi kami napunta sa bahay ng lolo ko at ng tita ko sa Calamba gada bakasyon. Kapag nakakainom ang aking ama, palagi niya kami sinasaktan at pinapahirapan, lalo na ang aking ina. Walang araw na hindi kami sinasaktan at pinapahirapan sa harap nh madaming tao kapag nakainom.

Minsan sinabit kami sa puno ng maraming langgam at kung minsan tinatali kami sa puno at binubuhusan ng gas para sunugin. Lahat ng tao sa subdivision, walang makalaban sa kanya, kahit Chairman walang magawa. At kahit partido ng nanay ko ay di kaya siya, lahat ng tao ay takot sa kanya.

Lumipat kami sa Concepcion para mag-aral nf elementary. Grade 2; nag-aral ako sa Lozada Concepcion Elementary School. Wala akong kakilala doon kasi bagong lipat kami doon. Pero pagkalipas ng ilang lingo, nagkaron ako ng kaibigan doon. Masaya silang kasama kasi puro katarantaduhan at kalokohan ang alam naming. Bata pa lang ako maalam na akong mag-cutting. Grade 4; first love and first girlfriend ko, Cristina Mae Santos. Grade 6 siya noong mga panahong iyon. Tapos nung makagraduate siye, wala na kami, di ko na siye nakita pa.grade 6: nagsipag akong mag-aral. Nagtapos at nakagraduate ako noong taon 1999.

Taong 2oo0 namatay lolo ko dahil sa high blood. Palaging nakainom ang aking ama dahil sa sma ng loob at nagwala sa simbahan kubg saan nakaburol ang lolo ko, pati mga kapatid niya inaway niya. Nung ililibing na lolo ko, dun nakaayos sila, parang plastikan lang ang pagkakabati-bati nila. Ang ama ko ay lalong nagmalupit sa’min at lagi kaming sinasaktan kasi wala ng magpoprotekta sa’min –ang lolo ko.

2001; first year high school ako sa Annex V. unang pasok ko dun, wala akong kakilala at di ko gaanong kilala ang mga titser ko nung 1st year ako. 2002; namatay tatay ko, di ko alam kung magiging malungkot ako noon o magiging Masaya dahil sa hirap na pinagdaanan naming at mga pasakit sa buhay. Tumira kami sa P. Alcantara, para dun manirahan at makisama sa mga kamag-anak namin. 2002, 2nd year high school. Naipasa ko ang mga subject ko ngunit may dalawa akong subject na nabagsak, science at math. Gada taong lumilipas di ko matapos ang dalawang subject na nabagsak ko hanggang sa tumigil na ako sa pag-aaral ko.

Madaming taon ang lumipas, 2006 hanggang 2007 ako tumigil na pag-aaral. Sa taong lumipas marami ako nakilalang babae at nagging girl friend ko halos 5 sabay-sabay ang mga gf ko nun hanggang sa maka-40 plus ako nagkaroon na mga babae. Nagsawa ako sa kanila dahil ayoko na manloko nang babae. Nakahanap ako ng isang babae, nagngangalang Rhodlheen Martinez. Nakilala ko siya sa mall, tinder siya ng mga VCD. Naging magkaibigan kami sa loob ng isang lingo. At sa loob din ng isang lingo naging kami, pinakilala niya ako sa nagulang niya na sina Rodrigo at Elen Martinez. Naglive-in kami sa loob ng 3 taon, pinakilala ko dan siya sa nanay ko. Masaya kami pagmagkasama kami, natuto akonh magtrabaho, buhayin sarila ko pati na din siya. Nagtrabaho ako sa LQ o yung tinatawag na Lugaw Queen, sa Siesta Residencia de Arago, sa Footstep at sa ilalim nh mall. Sa mga araw na nagdaan, lumilipas, hanggang sa mawalan ako ng trabaho, palipat-lipat kami ng bahay at iba-iba din ang nakasama naming tao. Ang huling tinirahan naming ay sa bahay ng Manager niya, at hanggang sa nagkaroon siya ng kaibigan at hanggang siya ay unti-unting nagbabago.

Hanggang sa hindi ko na makilala ang Lheen na nakilala ko noon. Nagmahal siya ng iba at pinagpalit niya ako sa isang Muslim. Pero o.k lang kasi nagparaya na ako dahil sa mahal ko siya. Isang taon ang nakalipas, 2008, nag-aral ulit ako sinummer ko ang dalawang major subject ko ang science at math. Naipasa ko naman. 2009 3rd year high school. Nakilala ko yung babaeng nagpatibok ulit ng puso ko na halos 1 taon na pagluluko na walang babae ang ginagawa ko lang ay mag-inom, maghanap ng ayaw at kung anu-ano pa. nung pumasok ako at makilala ko siya nagbago ang buhay ko at tinuwid ang mga pagkakamali at ligaw na buhay ko. Classmate ko siya ng 3rd year, sa loob ng isang taon na iyon marami ang nagbago, mag-aral akong mabuti para sa kanya at sa magulang ko. Masaya ako dahil nakilala ko siya, kung hindi dahil sa kanya magulo pa din ang buhay ko at walang patutunguhan.

Di nagtagal pinakilala ko siya sa magulang ko at Masaya naman ina ko at ganoon dain ang magulang niya. Sa nagging buhay ko marami na akong nalaman an mga karanasan sa buhay. Gusto ko pang matuoto para marami pa akong malaman sa mundong ito na di ko pa nalalaman. Sa ngayon gusto ko muna tapusin ang 4th year ko at sana pagdating ng future ko. Masaya na at hindi na kagaya o katulad ng nakaraan ko na maaga naulila sa ama na hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Sa ngayon ina ko na lang bumubuhay sa’min. gusto ko tumulong pero di ko slsm kung paano at kung saan ako magsisismula. In my future, ayoko gayahin ang ugali na ama ko na sinasaktan ang magulang at pamilya niya. Sana gabayan pa din ako ng panginoon habang ako ay nabubuhay. God, I miss you and I love you!!!
                                                                                                              

Friday, 18 February 2011

Talambuhay ni MARA KRIZELLE LATAYAN ORTE

          Nagsimula ang buhay ko noong nagkakilala ang Inay at Tatay ko, kung saan magpunta ang Inay ko ay nandoon din ang Tatay ko, kaya siguro napaibig ang Inay ko, kasi laging nakabuntot ang Tatay ko, pero hindi ibig sabihin stalker sya. Pagkatapos noon niligawan na ng Tatay ko ang aking Inay, syempre hindi na nagpakipot si Inay dahil gusto din naman nya ang aking Tatay. Kaya simula  noon lagi na silang magkasama, habang tumatagal lalong naging malalim ang pagmamahalan nilang dalawa, kaya nag-usap muna sila na magtapos ng pag-aaral para sa magiging kinabukasan ng kanilang magiging anak at dumating yung oras na nakatapos na sila ng pag-aaral. hiningi ng Tatay ko ang kamay ng aking Inay sa kanilang mga magulang hanggang sa makapagpakasal na silang dalawa noong Marso 26,1993 at yun na ang pinakamasayang araw nila bilang magkabiyak sa habang panahon. At di naglaon nagbunga ang pagmamahalang wagas ng aking  mga magulang ng limang mabubuting mga anak at mamamayan ng ating bansa.

          Ako si Mara Krizell  Latayan  Orte, isinilang noong ika-22 ng Oktobre taong 1994 sa panlalawigang pagamutan ng  lungsod ng San Pablo. Mara ang ipinangalan sa akin ng aking mga magulang sapagkat lagi nilang sinusubaybayan ang isang teleserye noon sa telebisyon kaya na isip nilang isunud ang aking pangalan sa isa sa sa mga karakter sa nasabing programang kanilang sinusubaybayan. Ayon sa kwento ng aking mga magulang at mga nakakakilala sa aming pamilya, napalitan raw ako sa Ospital na nagkataong nawalan ng ilaw ang buong gusali. Ngunit hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi dahil pinalaki nila akong walang namuong galit at pag-iimbot sa aking kalooban na dulot ng aking mga magulang. At kung totoo man ang sabi-sabi, taas noo akong haharap sa mga tao at ipahahayag ang aking mga pinaniniwalaan sa buhay na humubog ng aking buong pagkatao. 

        Habang ako'y lumalaki marami na akong mga mumunting bagay na natututunan. Mga bagay na maliliit ngunit naghahatid sa akin ng malalaking kaalaman sa aking pahat na isipan. Nang ako'y 6 taong gulang  namalagi ako sa aking Lolo, kung saan doon ko sinimulan ang pag-aaral sa pinakamababang antas ang "Kinder Garten". Ang aking musmos na isipan ay napunan ng ibat-ibang kaalaman sa buhay, hindi lamang sa akademiko pati na rin sa kaalaman sa buhay. Lumaki ako sa piing ng aking Lolo at Lola ngunit hindi ako pinababayaan ng aking mga magulang na mapalayo ang loob ko sa kanila, sa bawat okasyon sa aming pamilya ay sama-sama kami. Lumaki akong maraming karanasan sa buhay gaya na lamang noong ako ay nasa Elementarya na, nakaranas ako kung  paano umibig sa murang edad, masaktan ang aking batang kalooban. Dumating ang panahon na ako ay nasa ika-6 na baitang na sa Elementary, nabigyan ako ng pagkakataong makalaro sa palarong pangrehiyon sa palakasan sa kategoryang atleteko, ako ay nabigyang karangalan bilang ika-dalawa sa mga pinaka magagaling na manlalaro sa aming Rehiyon, at dalawang beses pa ito naulit. 

          Tumuntong ako sa sekondarya sa edad na labing tatlong taong gulang, ngunit hindi ako namimirmihan sa aking mga magulang sapagkat pagkatapos ko sa elementarya ay kinupkop ako ng aking Tiyahin upang siya na raw ang magpapa-aral sa akin kapalit ng kaunting pakisuyo na ihahatid at susunduin ang aking dalawang magigiliw na pinsan. Noong una hindi ako punmayag sapagkat ayaw kong mapahiwalay sa aking mga magulang at hindi ako ang tipo ng tao na madaling pumayag lalo na't hindi ako sigurado sa maaaring kalabasan ng aking ginawang pasya. Ngunit hindi naglaon napapayag na rin ako sapagkat na pag-isip-isip kong malaking kabawasan sa gastosin at alalahanin ng aking mga magulang ang aking pag-aaral. Mula sa Dolores,Quezon ako kasama ng aking tiya  kami ay lumipat dito sa kabayanan ng San Pablo. Pumasok ako sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National HighSchool at kasalukuyang magtatapos na.


     




LARAWAN NG AKING MGA MAHAL SA BUHAY



Ito ang aking Tatay at bunsong kapatid na si Ma.Angeline.
  

Picture ko noong 15 yrs old ako
Ito ang aking kapatid na si GLENN CARLO siya ang sumunod sa akin 15 yrs old na siya. Mahilig siya sa Lawn Tennis at ngayong darating na Marso 2011 ay magkakaroon ng isang paligsahan sa Lungsod ng Lucena  at ito ang STCAA.
                                                                                              
Ito naman ang aking kapatid na babae na si SHERLYN MAE. Siya naman ang pang-apat sa aking mga nakakabatang kapatid.



Ito naman ang aking kapatid na si KIM DARREN,pangatlo sa aming mgkakapatid. Mahilig din siya sa Lawn Tennis
Ito si MA. ANGELINE siya ang bunso kong kapatid.

Kapati ko at yung Doll nya.

Ito ang aking INAY at bunso kong kapatid.





Picture ko noong October.





Picture ng aking kapatid noong siya ay anim na taong gulang
   

Ang Talambuhay ni Regie Catalonia

Noong bibinyagan ako

    Ako si Regie S. Catalonia.Ipinanganak noong Hulyo 6,1993.Pangalawa ako sa tatlong anak nina Emeliana Corporal at Antonio Corporal.Sa aking palagay,ang aking buhay ay masyadong makulay kahit na nasa murang edad pa ako.
   Isang taong gulang pa lang ng aking edad ay labis ko nang ikinatutuwa dahil sa ang aking mga magulang ay napaka maalagain at maaruga sa akin.hindi nila ako iniiwanan o inaalisan ng tingin.Bawat minuto at oras ay lagi silang nasa tabi ko upang pasayahin ako.
Noong isang taon pa lang ako
   May mga karanasan din sa aking buhay na muntik ko nang ikinamatay.Dahil sa aking kakulitan ay maraming beses na akong napapahamak.May oaras akong naaksidente.Halimbawa na noong mahulog ako sa upuan at mapahampas ako sa sahig.Dumugo ng lubusan ang aking ulo at nahimatay.Dinala ako sa ospiatal at sa kabutihang palad ay nailigtas pa ako.Alang-alala ang aking mga magulang dahil sa nasa tatlong taon pa lang ako ay naaksidente na ako na malubha.
Ako at ang mga kapitbahay namin
   Sa unang taon na aking pagpasok sa eskwelahan ay sobrang akong naninibago at natatakot dahil sa hindi pa ako sanay na wala sa aking tabihan ang nanay ko. Lagi nalang ako umiiyak kapag wala ana mama ko at kapag sinasarado ang pintuan ng aming silid-aralan.Dahil sa aking kahinaan ng loob sa pagpasok ay hindi na ako nakapasok ng Daycare at Kindergarten.
Si makulet na regie
   Nagsimula na akong pumasok ng elementarya sa edad ng pitong taon.Hindi pa rin nawawala ang pagkatakot ko sa pagpasok sa paaralan.Sa tindi ng aking kahinaan nang dahil sa nagkaroon ako ng maraming kaibigan.unting-unting nawala ang aking pagkatakot at doon  nagsimula ang pagtuklas ng aking kahusayan sa paaralan.Nang dahil sa pagtuklas kong ito ay nagkamit ako mg mga parangal.Mula pa ng grade 1 ako hanggang grade 6.
Isa ako sa mga honors noong elementary pa ako
   Ang pagpasok ko ng sekundarya ay pagbabago din ng aking buhay pag-aaral.Pumasok ako sa isang paaralang kung saan ako nakaramdam na pag-iisa at pang-aapi.Sa unang taon ng aking hayskul ay nakaranas ako ng masamang pag-aaral.Nang dahil sa akoy laging tahimik at dahil sa aking kaliitan ay nagawang awayin at apihin ako lagi ng aking mga kamag-aaral.Labis ako naapektuhan at nagsimula ng akong magloko sa pag-aaral.Hindi ako pumasok ng tatlong buwan.Kung hindi nalaman ng mama ko ang aking ginagawang kalokohan ay hindi na san ako nakapag-aral pang muli.Sa pagpasok kong muli sa paaralan ay nagsimula na rin akong mag-isa at magtago kung saan walang taong nakakakita sa akin.Kahit sa pangalawang at ikatlong taon ng aking pagaaral sa hayskul ay ganito pa rin ang ginawa ko.At nang dahil dito,Napatigil na ako ng tuluyan sa pag-aaral.Akala ko dati ay hindi na ako makakapag-aral pang muli.Pero napagiisip-isip ko na mali pala ang aking mga ginagawang kalokohan.Dapat ay hindi na lang ako nagpaapekto sa aking kahinaan at pilitin ko sanang labanan ito.
   Sa kabutihang palad ay nabigyan muli ako ng pagkakataon na makapagaral muli.Nakapasok ako ngiktlong taon sa paaralang kung saan nagsimula ang lahat ng aking kabiguan.Sa taong ito ay nagsimula muli ang aking buhay-pagaaral.Dito nagsimulang magbago ang aking personalidad.Naging masayahin at palakaibigan na ako.Laking pasasalamat ko na nagkaroon ako ng maraming mababait na kaibigan at barkada.
   Sa kasalakuyang taon,Sa ikaapat na taon ng aking pag-aaral ay ang pinakamasayang taon ng aking pag-aaral ay ang pinakamasayang taon ng aking pag-aaral sa hayskul.Dito ko natuklasan ang panibago kong talento. ang pagkanta at ang pag-gigitara.Naging confident ako at lubusan ng nawala ang aking kahinaan.
   Sobrang pasasalamat ko sa diyos dahil sa siya ang siguradong tumulong sa akin para magbagong buhay.At sa pagkakataon ito ay sobrang naniniwala na ako sa kasabihang"GOD SEE,GOD KNOWS".